Survey: See how demented my childhood was

Alex @ May 14, 2008 | | Personal |

Reminiscing about your childhood can make you suddenly count the number of gray hairs you have sprouting. Never really bothered me at all since I used to have salt-and-pepper hair as a kid. Anyway, here are some tidbits about how I dealt with childhood in relation to popular culture.

Bert and Ernie

Sorry to those who can’t read Tagalog. Nakaw galing kay BA.

1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa.

Ah tex muna. Iyong based pa sa pelikula nina Rudy Fernandez at Da King. Then nag-emerge yung Ultraman na tex na kasama sa candy. Yung Pog, pinauso lang ng Coke. Pero I got the orig ones. Bad trip lang na ninakaw ng pinsan ko yung Pog collection ko.

2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.

Hehehe. Bland yung humor nun sa akin dahil Pinoy slapstick humor pa ang trip ko. Tagal na ako di ngumunguya ng bubble gum. Ang Archie Comics ay para sa mga rich kids lang. Dahil di ako rich, Bazooka Joe comics na lang.

3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.

Maangas tirador ko kasi fashioned ng tatay ko sa bakal. Needless to say sharpshooter ako sa tirador… noon.

4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

Oo. Makuklit yung paper dolls. Kaya siguro madaming fashionista ngayon.

5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.

Wala… Pero tatay ko meron. “Binilhan” niya ako pero siya lang lagi ang naglalaro. Mga deprived na bata nga naman.

6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.

Ayun, may Family Computer naman kami kaya di na kailangang lumabas. Pero alam ko sa probinsya namin may ganito. 100 in 1 pero 3 in 1 lang talaga. Paulit-ulit lang yung laro.

7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.

Yes! Malapit na din ako malason. At malapit ko na din mapasabog yung kotse ng kapitbahay!

8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.

Wala. Kasi boring tatay ko. Ayaw niya ako bilhan ng ganun. Kagaguhan lang daw.

9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.

Wala. Gusto ko man, ayaw ako bilhan ng tatay ko. Pero since may tita ako sa states, may SF 49ers jacket ako. Gold na gold.

10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.

Oo naman. Kaso di talaga ako mahilig sa siyesta. Ngayon ko lang na-a-appreciate.

11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.

Lalabas na pari! Hehehehe. At yung kukuhanin ka ng Bumbay kapag malikot ka! (No offense, that’s just how our generation had it.)

12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito)

Ewan ko kung meron si ate.

13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.

Since poor kami, WALA!

14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.

Oo naman. Lahat ng pencil case nun may lamang kisses. Padamihan pa ng anak! Shet. Anyone from Chem who can explain if that really worked? Dapat may Mythbusters episode para dun!

15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.

Oo. Pero Nissin’s kami noon eh. Madalang bumili ng Maggi.

16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.

Hampasin mo muna ng martilyo yung gitna para mas epektib!

17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.

Grade 6 or 7 na ata nung nauso si Sashikibuta. Since medyo malaki na kami noon, medyo bading ang dating mo kung may stationary ka pa.

18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.

Brick Game, yes! Agawan pa dito sa bahay kung sino ang maglalaro. Game Boy, bigay lang ng tita ko at since wala akong adaptor, lakas kong bumili ng 4 na AA na baterya. Dun lang nauubos allowance ko.

19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.

Habulan, langit-lupa at agawan base lang. All-boys eh. Pam-bading ang 10-20.

20. Sinasabi mo sa kaklase mo na “Liars go to hell” kapag tingin mo nagsisinungaling sya. ”Cross my heart, hope to die” kapag nangangako ka. “Period no erase” kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na “Akin yung factory ng pambura”.

“Hawakan mo nga ‘yung tenga…” Tapos sapakan na. Ayun, tapos ang usapan. Walang sinabi ang “period, no erase” sa sapak eh. Madalas akong umuwi na magulo ang damit dahil sa sapakan.

21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side taposmaraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.

Classic yung magnifying lens. Di ko lang matandaan kung sino yung nag-a-attempt na magsunog ng papel gamit yun.

22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.

Kapitalista kasi yung Claret eh. Kailangan dun ka bumili ng notebook para exact to specifications. Kung hindi papagalitan ka ni teacher.

23. Sa coleman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.

Oo naman. Red yung binili ng tatay ko para daw swerte.

24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.

Anak ng… College na ako nung nagka-G-Shock ako ah.

25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.

Pang-mayaman lang yun. At pang-callboy.

26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.

Tatay ko. At Mobiline pa ang provider!

27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.

Battle City! Pero ang magaling dun, nanay at tatay ko ang experts sa Battle City. Never ko sila nakitang mag-date pero sweet nila kapag nasa harap ng Family Computer at naglalaro ng Battle City.

28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.

Family Computer, Brick Game, at isang Troll na bigay nung crush ko na kapitbahay namin.

29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: “Natatawa ako, hi hi hi hi”, “Anong paki mo sa long hair ko”, “Dahil sa bawal na gamot”, “Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko”.

Yano! Weedd! Willie Garte! Francis M!

30. Isa dito ay theme song mo: “I Swear” by All 4 One, “What’s Up” by 4 Non Blondes (Andsay, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What’s goin on!), “Zombie” by Cranberries.

Zombie. Pero nauso ang 4 Non Blondes din nun.

31. Sumasayaw ka ng Macarena.

Lahat naman ata may alam ng hand movements nun eh.

32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.

Si ate, member ng fans club!!! Nakatanggap pa ata siya ng post card.

33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.

Thank god, wala. Hehehe.

34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

“Yoooooooooour loooove is like the suuuun, that lights up my whole world. I feel the warmth insiiiiiiiide!”

35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.

Expert ako sa pagtantya ng rewind. Best friend ko yung walkman ko dati. P100 lang kasi ang tape kontra sa P450 na CD.

36. Kinakanta nyo dati sa school yung “Heal the World”, “Tell the World of His Love”, “Jubilee Song”, etc.

Catholic schoolboy eh.

37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

“Go, go Power Rangers…” Yung mga “tunay” na lalaki sa class, maka-Power Rangers. Yung mga “bading” Sailormoon. Pero sino ba hindi nanunood ng Sailoormoon nun? Mga batang manyak, “Ayan, magtra-transform na!”

38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.

Shet, generation after us na ito. Batibot at Sesame Street kami noon. At yung Open Sesame… “Tupang ina mo, Bert!”

39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.

At the best noong biglang nag-Tagalog ang Dragon Ball (Sunday afternoon sa RPN 9). “Goku! Okay ka lang ba, bro?” What the f…? Hehehe. Gino Padilla fans club.

40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: ”Tato ni Ara Mina malaking cobra…”, “Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta…”, ”…Kontra Bulate!”

Wala pa si Ara Mina noong una kong pinapanood yung Voltes V…

41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: “Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman… Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman..”

Correction, hindi anime ang Shaider. Tokusatsu tawag sa shows na yun. Maka-Masker Rider Black kami nun. Madaming may crush kay Alexis del Mundo (Shaider) at kay Robert Akizuki (Masked Rider). Eh Candy, Candy? “Anthony!”

42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.

Lahat ng anime ng ABS-CBN. Sino umiyak sa Dog of Flanders? Ha? Ha? Yung Sarah na movie, pinanood namin yun.

43. Alam mo din yung “Ang Pulubi at ang Prinsesa” with Camille Prats and Angelica Panganiban.

Nope. Pero ngayon, may anak na si Camille Prats at nakita ko at nagpakita na rin ng suso si Angelica Panganiban.

44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

Galing kay BA, “ANNOUNCEMENT SA BUONG MUNDO: KASALI YUNG ATE KO SA ANG TV DATI!!! Kabatch niya sina Rica Peralejo, John Pratts, Camille Pratts, etc. Pinaalis lang siya ng dakila niyang school sa Ang TV. Ang replacement niya? Si Katya Santos daw.” —> Wow!

Naalala ko pa yung matinding paninibugho nung kaklase ko kay Katya Santos. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit.

45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

Hehehe. Mga bata, noong unang panahon… *higop ng hangin* …at may isang lobo…

46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na “ATBP.”: Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu… labingisa-labingdalawa… labingtatlo… labingapat-labinglima…

Mas gusto ko yung mga kanta ng Batibot. “Pagmulat ng mata, Derecho sa kubeta, mag-Batibot…” Erm, mali ata…

47. Napanood mo ang Batang X.

Hindi na.

48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.

Anong yaya, yaya? Ako ang nag-introduce sa buong pamilya namin! Oh man, the sight of some scantily-clad chick to draw you in to watch a telenovela. I was a perv kid…

49. Nanonood ka ng kahit alin dito: “Okay Ka Fairy Ko”, “Oki Doki Doc”, “Abangan ang Susunod na Kabanata”, “Palibhasa Lalake”, “Ober da Bakod”, at “Home Along Da Riles”.

Palibhasa Lalake! At Tropang Trumpo. Pero naabutan niyo pa ba ang TODAS?

50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.

Di naan, mahilig ata ako sa

51. Pinanood mo din yung “Villa Quintana”, “Esperanza”, “Anakarenina” atbp.

Hindi na. Nung time na yan, kaaway ko na nanay ko sa remote ng TV.

52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.

Kilig? Naah. Pero bat wala si Bobby at Angelu?

53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: “Dear diary, Carlo sat beside me today. He’s so cute! Sabi niya I’m pretty kaya lang I’m fat.”

Hehehe. Probably one of the best commercials ever.

54. Kinakanta mo yung “Thank God it’s Sabado, pati na rin Linggo…” at “Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy”.

Di ba may spin-off pa na version na X-Men ang lyrics?

55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.

Oo naman. At may portion pa si Aiza at Lady Lee sa Eat Bulaga. Nandun pa si Connie Reyes. At si Jay pa ang partner ni Mel.

56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.

Y2K pwned us all.

57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.

Oo. Tapos may cooking show na ang dugyot-dugyot nung kusina. At may a-la Batibot na show pa for Chinese audiences -Pinpin ata yun.

58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.

Classic! Eh Tiyanak! At Halimaw sa Banga!

59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na “Goodbye, England’s Rose.”

Uh yeah. Ako naman, kebs ko lang. Di ko din maintindihan kung bakit napakaraming umiiyak at nalulungkot. Wala naman siyang ginawa para sa mga Pilipino.

60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.

Betamax pa noon! Si ate may collection ng Ruroni Kenshin!

61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.

Hehehe. Di ko ito pinanood. Don’t believe the hype na ang motto ko noong bata pa.

Tags: ,

Related Posts:

6 Comments

  1. ba May 14, 2008 @ 9:47 am

    May Betamax na Rurouni Kenshin?????

  2. Alex May 14, 2008 @ 7:19 pm

    Correction. VHS na ata yung collection ni ate ng Ruroni Kenshin. Hehehe.

  3. mae May 16, 2008 @ 12:29 am

    at kung fan ka ng spice girls, pinapagpartner mo sila sa backstreet boys!!! wahahah :))

  4. Flori May 17, 2008 @ 7:24 pm

    Kukulimbatin ko ito at tatablahan ko yung ibang binuking mo :D
    Spice Girls fans club member pala, ha?! Hehe tunay naman kasi :P

  5. Krissy May 20, 2008 @ 9:18 am

    #39: langhiya naalala ko pa yung episode na yun. sobrang na-shock kami. pero labs ko pa rin yung dub ng dbz, hehehe

  6. Bren June 12, 2008 @ 8:06 am

    #21. Wala nang tatalo pa sa pencil case na may mini piano. Haha!

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>