Matindi talaga ang dagok ng 2020 sa ating lahat. Patung-patong na takot ang dala nito. Kaya kahit paano ay maiintindihan mo kung bakit napaka-irational ng mga tao ngayon.
Hindi naman sa dapat ay pabayaan na lang nating maghari ang takot pero kung dadaanan mo nga naman yung nakaraang dalawa’t kalahating buwan, ay matindi nga naman ang naging dala ng taong ito. Kahit sana man lang ay may warranty kahit na parang CDR King (1 week replacement, 3 months service warranty) yung taon para maisauli at mapapalitan. Pasok pa naman sana.
Recent events have forced many of us to take pause and consider our own mortality.
Pumutok ang taal. It had Earth’s powerful forces on display. Nature’s wrath. Walang sinanto. Mapa-mansion man o barung-barong, natakpan ng abo. Namatay si Kobe Bryant. Matagumpay na tao at “larger than life” personality pero pumanaw nang hindi inaasahan. Madaming nagluksa. Ngayon, coronavirus. Lahat pwedeng tamaan. Walang lunas. Kahit sino maaaring mamatay.
Mapapa-isip ka, “Ano na bang nagawa ko sa buhay ko? Naging masaya na nga ba ako?” Madami sa atin, hindi pa nakamit ang mga pangarap para sa sarili o para sa pamilya. Kaya sa gitna ng lahat ng sakuna na maaari mong ikamatay, iisipin mo, “Hindi pa. Ayaw ko pang mamatay.”
Then your lizard brain kicks in. You are reduced to your primal survival instincts. Aggression and fear. Fight or flight.
Hoarding. Panic buying. Kung walang pang-buy, panic na lang. Every human for oneself. Pak yu kayong lahat! I’m namber wan!
Kasama ako doon. Kaya kahit na pinipilit kong maging rational at panatag sa panahong ito, may takot pa din.