Day 6 ng coronavirus quarantine. Unang beses lumabas mula nang mag-lockdown. Supply run.
Full battle gear. Naka-mahabang manggas, pantalon, baseball cap, mask, salamin at gwantes. May de-spray na alcohol bottle sa bulsa.
Bago makalabas ng subdivision, may pila ang sasakyan. May health worker. Temperature check kada sasakyan. 34C. Hindi ata calibrated ang thermometer.
Mahirap makahanp ng maluwag na pamilihan. Pila balde sa mga grocery. Limitado ang pinapapasok.
May makakasabay ka pang palakad-lakad ka sa pila, encroaching on people’s assigned social distancing space, walang mask, bumubulyaw ng kanta. Pinagsabihan na at lahat, siya pa ang galit. Sarap sabukain sa mukha.
Temperature check ulit. 32C. Ang cool ko naman.
Sa loob magulo din. Ubos ang mga paninda. Hindi marunong dumistansya ang mga tao. Buy what you can nang hindi nagho-hoard.
Sa botika, pila din. 10 minutes pa bago mag-opening. May gustong sumingit. Inaway si Manong Guard. Bakit di daw siya papasukin. Hindi daw marunong mag-adjust at mag-bend ng policy si Guard. Sarap sabukain sa mukha.
Kaunting disiplina at kaunting konsiderasyon man lang sana.
Papasok ng subdivision. Temperature check ulit. Ibang health worker. Ibang thermometer. 35C. Abnormal pa din.
Pag-uwi, todo DIY decontamination. Lysol. Alcohol. Balot ang gwantes at mask at tapon sa basurahan. Tanggal ng mga pang-ibabaw. Diretso sa labada. Takbo sa banyo para maligo.
Kahit na todo ang ingat, paranoid pa din na baka nahawa na.
Kung ito na ang “new normal,” mahirap. Parang bangungot. Surreal.
A day of reckoning should come. Kailangang may managot.