
Noong panahong nasa publishing ako bilang patnugot, nakatapos kami ng 16 na academic textbooks sa halagang P2M.
Ang 138-pahinang aklat ay maaaring ma-imprenta sa halagang P100 full-color. Mas mababa kung mas maraming i-imprenta o kaya mas manipis ang papel. Sa budget na P10M, maaaring makapaglimbag ng 5K kada titulo.
Ang mga takeaway:
1) Halatang napakalaki ng patong sa costing ng children’s book ni Inday Lustay. Kahit lagyan mo ng school supplies at ilagay sa eco bag.
2) Buwis natin yung ginagamit sa propaganda at pansariling interes. Maraming mahuhusay na manunulat ang hindi makapaglimbag dahil walang pondo o grant. Ipinagpipilitan ng ganid na pondohan ng taumbayan ang kapritso kahit na wala sa kanyang mandato.
3) ~50K na pirasong Adarna books at full-cost (na di hamak na mas magandang kalidad na children’s books, mula kwento hanggang pagguhit) ang mabibili ng P10M. (P150 lang ang “Dancing Waters: The Story of Leni Robredo”)
4) Gusto nila ng pera ngunit hindi para sa iyo. Kaya kung iboto mo pa ito, talagang kaalyado ka ng kasamaan o napakakamote mo na lang.
5) Napakaswerte ng manlilimbag na nakatrabaho ko at natapos ko ang proyekto na pasok sa barat nilang budget
6) Wala akong royalties na nakukuha sa projects ko