
Napadayo kami sa MOA nitong huli dahil sa football tournament ni Bulilit. Minsan lang naman kami mapadpad doon kaya sinundan na rin namin ng libot.
Natiyempuhan naming hindi mahaba ang pila sa Yakiniku King. Matagal na rin kaming hindi nakapagya-yakiniku kaya pinatulan na rin namin.

Dito namin napatunayan na wala talaga kaming future sa pagco-content. Habang ang iba ay dino-document ang kada kibot, kami derecho sa pagluto at pagkain.
Walang este-estetik sa aming likas na gutom/matakaw. Natapos kami na walang picture-picture or video-video ng pagkain namin.

Anyway, dahil likas kaming tsismoso, eto ang the best overheard habang nag-iihaw:
Wait Staff: Ask ko lang po, first time po sa Yakiniku King?
Person: Here in the Philippines? Yes.
Ikaw na, ate. Ikaw na.