Nakatira kami sa loob ng subdivision within a subdivision. Known na bahain ang lugar. Madalas ko ngang banggit, nagiging isla kami kapag malakas ang ulan dahil iisa lang ang access point namin mula sa highway. Kapag malakas ang ulan, binabaha ang main road. No way in, no way out.

Kaya naging SOP na namin na kung malakas ang ulan, either magbaon ng go-bag kung may importanteng lakad na hindi maipagpaliban para kung hindi ka na makapasok ng gate, mag-hotel na lang o huwag na lang umalis ng bahay.

Akala ko ganoon lang din ngayon. Hindi. First time mula noong tumira kami dito na magka-gutter deep flood sa street namin. Halos umangat ang tubig papasok pa-garahe. Yung kapit-village namin, lumubog ang ilang mga kalye at bahay.

Hindi ako nabiktima ng Ondoy o Habagat kaya ngayon ko lang ulit naranasan yung manood ng pagtaas ng tubig mula kalye. Nakahihigpit-tumbong makita ang paggapang ng tubig baha papalapit at papasok ng bahay.

Hindi naman sa hindi ko inaasahang bumaha dito sa amin ngunit nakampante lang talaga ako. Noong naghahanap kami ng lote dito sa area, tiningnan din namin sa Project NOAH ang hazard map. Duda pa nga ako sa accuracy ng NOAH data noon dahil indicated na “orange” o medium hazard for flooding yung lote namin.

Parte ng aming due diligence, siyempre tinanong namin ang mga kapitbahay kung talagang flood-free ang lugar. Mayabang na sambit ng mga taga-dito na walang tubig noong Ondoy. Malayo man daw kasi sa main road, pataas na ang area. “Isla” pero safe.

Pero kahit na ganoon, minabuti na din namin na patambakan at pataasin ang lote bago kami magpatayo. Dami ngang trade-offs. Napakagastos magpataas ng lupa for construction. Napilitan pa kaming maging low-ceiling ang bahay dahil sa height restrictions.

Kaya nga medyo buraot na sa tinagal-tagal eh parang pointless yung pagpapataas. Kasi nakailang bagyo at malakas na buhos ng ulan na rin at hindi naman talaga umaangat ang tubig. Mas na-enjoy ko sana ang high ceiling na bahay.

In hindsight, okay na din pala dahil kahit na tumaas ang tubig sa kalye kahapon, may naging allowance pa bago talaga makapasok sa loob ang tubig baha. All things considered, talagang maswerte na hindi pinasok ang bahay.

Nakababahala lang dahil bagong experience sa village namin na bahain kahit ang mga kalye lang. Nakatatakot isipin na kaunti pa, papasukin na ang mga bahay. Siyempre bukod sa threat to safety, it means it bodes worse for everyone else in our area.

Two villages over, halos lahat ng posts sa Facebook group nila ay mga panawagan na i-rescue na sila ng bangka. Abot dibdib ang tubig baha sa karamihan at sa ibang parte lampas tao kung katulad kong pandak. If it could’ve been worse for us, ano na lang sa ibang lugar?

If this is the new normal, brace yourselves talaga. Hulyo pa lang.

Some things to consider after yet another episode of living in this Kamote Nation:

  • Be grateful for the little things. Having kept dry yesterday is a blessing of immense proportions.
  • Join the bayanihan efforts. Pay your good luck forward. Some people really need the help.
  • Check your privilege. Saktong burgis problems are petty considering.
  • Yeah, science.